Pinarerepaso ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez sa kaniyang mga kapwa mambabatas ang mga programang pabahay ng pamahalaan para sa mga mahihirap.
Ito ang binigyang diin ng mambabatas kasunod ng paghahain niya ng resolusyon sa Kamara na imbestigahan ang nangyaring pag-okupa ng grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa housing projects sa Pandi, Bulacan.
Nais mabatid ng mambabatas kung bakit tila naging desperado na ang mga mahihirap na makuha ang mga nasabing pabahay sa kabila ng mga proyektong inilulunsad para sa kanila ng gubyerno.
Una rito, tinawag na Anarkiya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging hakbang ng grupo na isang bagay na hindi niya mapalalampas dahil pinalalabas ng mga ito na inutil ang gubyerno.
By: Jaymark Dagala