Nakadepende sa mga local government units (LGU)’s kung kanilang oobligahin ang mga turista na sumailalim sa RT-PCR testing bago ito payagang makapasok sa kanilang lugar.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, nasa mga pamunuan ng LGU’s na rin ang desisyon kung anong klaseng test ang hihingin nito.
Mababatid kasi ani Puyat, na may ilang mga LGU’s sa bansa ang pinipiling hindi pa magbukas ng kanilang mga lugar kahit pa nasa maluwag na quarantine status na ang mga ito bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19.
Kaugnay nito, sinabi ni Puyat na may ilan pang destinasyon sa bansa ang nag-oobliga sa mga biyahero ng RT-PCR test results gaya ng Boracay, Bohol, Siargao, El Nido, San Vicente, at Puerto Princesa sa Palawan, at marami pang iba.