Isinusulong sa Kongreso ang pag-overhaul sa BIR o Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay dating Pangulo at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ito ay upang mas mapaigting pa ang pangongolekta ng buwis at mailayo sa pulitika ang ahensya.
Batay sa House Bill 695 ni Arroyo, nais nitong gawing NRA o National Revenue Authority ang BIR upang maibsan ang pagkalugi ng gobyerno at maiwasan ang hinihinalang sistematikong korapsiyon sa naturang tanggapan.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters