Sinimulan na ng MARINA o Maritime Industry Authority ang pag – phase out ng mga passenger vessel na gawa sa kahoy.
Ayon kay Marina Officer in charge Administrator Narciso Vingson Jr, hindi na tatanggap ng bagong registration para sa mga wooden – hulled passenger vessel dahil sa ilalargang modernisasyon sa industriya para sa kaligtasan ng mga pasahero.
Papayagan lamang na magparehistro ang mga bagong bangka kung ito ay gawa sa fiber glass o bakal.
Una nang isinulong ng Department of Transportation ang modernization sa mga bangkang kahoy kasunod ng paglubog ng bangka sa Iloilo – Guimaras Strait kung saan namatay ang 12 katao.