Nanawagan ang Australia sa mga bansang miyembro ng G20 na bumuo ng hakbang para i-phase out ang mga wildlife wet markets.
Ayon sa Australian government, ang panawagang ‘yan ay bunsod ng biosecurity at ang banta nito sa ating mga kalusugan.
Kasunod nito, iginiit ni Australian Agriculture Minister David Littleproud, mayroong mga wet markets na nagbebenta ng wild animals tulad ng sa China na siyang tinuturong sanhi ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kumalat na sa buong mundo.