Idinepensa ni PNP Chief, Dir. Gen. Oscar Albayalde ang pagpi-presenta niya sa media ng mga naaaresto at sinisibak na pulis.
Ayon kay Albayalde, hindi niya intensyon na ipahiya ang mga nagkasala niyang tauhan sa halip ay nais niyang patunayan sa publiko na seryoso ang P.N.P. sa paglilinis sa kanilang hanay mula sa mga scalawags at sangkot sa droga.
Kahapon ay sabay-sabay na iprinesenta sa media sa Camp Crame ni Albayalde ang pulis na bumaril at pumatay sa isang nakaalitan niya sa kalsada sa Marikina.
Isinapubliko rin ang babaeng SAF Commando na nahuling bumabatak ng iligal na droga at ang sinibak na hepe at mga tauhan ng San Rafael Municipal Police dahil sa pangongotong.