Nakatakdang ilunsad ng pamahalaan ang integrated online system para sa pagpo-proseso ng mga import permits sa 60 mga ahensya ng pamahalaan bago matapos ang taon.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, mas mapapadali na nito ang pagpasok ng mga produkto sa bansa sa kabila ng mahigpit na pagbabantay dito ng Bureau of Customs.
Nakikipag-ugnayan na aniya ang Finance Department sa DICT o Department of Information and Communications Technology para sa gagamiting software para rito.
Paliwanag pa ni Dominguez, sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya, maiiwasan na rin ang katiwalian tulad ng red tape sa pagpasok ng mga produkto sa Pilipinas.
—-