Ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin ang pag-pullout ng kanilang tropa sa Syria.
Ito ang inihayag ni Putin makaraang makipag-pulong kay Syrian President Bashar Al-Assad sa Khmeimim Air Base na isa sa mga Russian overseas military facility.
Ang tagumpay aniya ng Syrian Armed Forces laban sa Islamic State ang isa sa mga batayan upang i-pullout na ang mga sundalong Russo sa Syria.
Matapos ang Syrian trip, dumiretso si Putin sa Egypt upang makipagkita naman kay President Abdel Fattah El-Sisi.
—-