Magulo at nakalilito ang mensaheng inihahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte sa issue ng katiwalian.
Ito, ayon kay Senator Bam Aquino, ay makaraang igiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang linisin ang pamahalaan sa katiwalian tulad ng pinangako niya noong eleksyon.
Gayunman, nire-recycle o binibigyan naman anya ng pangulo ng panibagong posisyon sa pamahalaan ang mga sinibak o nag-resign dahil sa katiwalian.
Iginiit ni Aquino na malinaw na may “double standard” sa patuloy na pag-recycle sa mga opisyal na nasasangkot sa anomalya gaya ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Kung seryoso anya ang Duterte Administration na lutasin ang korapsyon, hindi na dapat ibalik ang mga opisyal na nasangkot sa katiwalian sa halip ay dapat kasuhan ang mga ito.
—-