Ipinag-utos na ng Commission on Elections (COMELEC) sa Smartmatic-Total Information Management ang pag-refurbish sa mahigit 97k vote counting machines o VCM para sa 2022 national at local elections.
Aabot sa 637.4 Million pesos ang inaprubahang pondo ng COMELEC para sa masimulan ang “refurbishment” ng mga makinang gagamitin.
Kabilang sa kontrata na nilagdaan ni COMELEC Chairman Sheriff Abas ang mahigit 109K piraso ng secure digital card at tinatayang 109k back-up sd card.
Huling ginamit ang mga VCM noong 2019 mid-term elections.
Una nang idineklara ang Smartmatic-TIM bilang nag-iisang bidder sa lease contract para sa supply at delivery ng external batteries ng mga VCM. —sa panulat ni Drew Nacino