Binawi ng Commission on Elections ang kautusan kung saan kailangang mag-register ng mga survey firm upang makapagsagawa ng mga survey.
Sa panayam ng DWIZ Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ang nasabing kautusan na nakapaloob sa inilabas na Resolution no. 11117 ay maaaring magdulot ng paglabag sa konstitusyon.
Sa halip na sapilitan ay ginawa na lamang na boluntaryo ang pagpaparehistro para sa mga survey firm.
Ayon kay Chairman Garcia, makatutulong ang nasabing resolusyon upang mawala ang mga survey entities na nagpapabayad upang paboran ang isang kandidato.—sa panulat ni John Riz Calata