Isusulong ng bagong upong AFP Chief of Staff na gamitin ang anti-terrorism law para i-regulate ang social media.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay, magsusumite sila ng mga panukala kung paano mapipigilan ang radicalization ng kabataan.
Pinuna ni Gapay na dapat i-regulate ang social media sa binubuong implementing rules and regulations (IRR) dahil ginagamit itong plataporma na ginagamit ng terorista para i-radicalize, recruit at pagpa-plano ng terrorist acts.
Una nang tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na kokonsultahin nila ang law enforcement military institutions at intelligence agencies sa binubuo nilang IRR para sa anti terror law.
Sa ngayon ay nasa mahigit 20 petisyon na ang naihain sa Korte Suprema na humihiling sa pagbasura sa anti-terrorism law.