Malabong maipatupad ang plano ni Congressman Arnulfo Teves na maglagay ng regulasyon sa paggamit ng social media.
Ayon kay Jerry Liao, isang IT expert, masyadong maraming hamon ang dapat harapin bago maipatupad ang regulasyon sa social media.
Bahagi ng pahayag ni Jerry Liao, IT expert
“Kanino po ba ipapataw ang mga rules na yan, the rules can be there pero hanggat hindi mo nahuhuli ang may sala ay it will remain a penalty, hindi mo ma-iimplement yan, I go to an internet café, paano mo ako mate-trace? or puwede akong kumuha ng prepaid card, o prepaid sim at gagamitin ko pang-connect sa internet, magpo-post ako, tapos itatapon ko yung sim ko.”
Sinabi ni Liao na puwede lamang ma-regulate ang social media kung mismong ang mga may-ari ng sites na ito ang kokontrol.
Bahagi ng pahayag ni Jerry Liao, IT expert
“If there’s one entity na who can maybe regulate this if they want to it’s the owner, yung may-ari ng sistema kasi hawak nila yung buong programa niyan eh, for the government to come up with a rule or batas diyan for example, talagang magiging malaking hamon yan kasi hindi mo alam kung sino ang naglalagay eh.”
By Len Aguirre | Ratsada Balita