Hinarang ng Korte Suprema ang kautusan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na maglabas ng mga plaka mula sa mga nakumpiskang car plate ng Bureau of Customs.
Sa desisyon ng Supreme Court, effective immediately ang inilabas na temporary restraining order (TRO) laban sa kautusan ng DOTC at Land Transportation Office (LTO).
Ipinaliwanag ni Atty. Theodore Te, Spokesman ng SC, na naging basehan sa desisyon ng mga mahistrado ang kakulangan sa merito ng mga inihaing petisyon ng DOTC at LTO.
By Drew Nacino | Bert Mozo (Patrol 3)