Nanawagan na si Agriculture Secretary William Dar sa pagrelease ng additional 6 billion peso fund para sa fertilizer subsidy.
Ito’y sa gitna ng tumataas na production cost, lalo sa pagtatanim ng palay bunsod ng walang prenong pagtaas ng mga produktong petrolyo at fertilizer dulot ng giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Aminado si Secretary Dar na nakababahala kasing hindi na masyadong naglalagay ng pataba ang mga magsasaka dahil sa mataas na presyo nito, na maaaring makaapekto sa produksyon.
Bagaman ipinagmalaki ng kalihim na umabot sa record harvest na 19.96 million metric tons ang produksyon ng palay noong isang taon, nanganganib naman itong lumiit kung tataas pa ang production cost dahil sa napakamahal na fertilizer.
Sakali namang tumaas ang production maging ang labor costs, namemeligro anyang lumagpak sa 1.1 million metric tons ang produksyon ng palay na may malaking epekto sa food security ng bansa.