Plano ng gobyerno na i-relocate sa mga temporary shelter ang lahat ng evacuee mula sa Marawi City ngayong taon.
Ito, ang inihayag ni Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman Eduardo Del Rosario sa gitna ng inaasahang pagsasara ng lahat ng evacuation center.
Sa kasalukuyan anya ay nasa 1,000 temporary housing units na ang ipinatayo ng HUDCC habang nagpapatuloy ang konstruksyon ng isanlibo pang shelters.
Sa Miyerkules, Mayo 23, gugunitain ng bansa ang unang anibersaryo ng pagsisimula ng digmaan sa Marawi City, Lanao Del Sur.
Tinatayang 1,000 katao kabilang ang mahigit 100 sundalo at nasa 50 sibilyan ang namatay sa limang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at grupong Maute-ISIS.