Pinasimple na ng pambansang pulisya ang pagre-renew ng lisensya ng mga baril.
Sa kanyang pagdalo sa opening ceremony ng Association of Firearms Dealers, Defense and Sporting Arms Show sa Megamall kaninang umaga, sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na bumuo na ng sistema ang Firearms and Explosives Office para madaling makakuha ng provisional LTOPF o License to Own and Posses Firearms ang mga gun-owners.
Ayon kay Dela Rosa, mula sa 11 requirements ay ibinaba na lamang sa tatlong requirements ang kailangan para sa pagkuha ng provisional LTOPF:
- Isang picture;
- Accomplished application form; at
- Payment
Samantala, siyam na buwan ang validity ng provisional LTOPF.
- Meann Tanbio