Sinang -ayunan ni health secretary Francisco Duque III ang panukala ni presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion na i-require ang booster cards sa pagpasok sa mga enclosed establishment.
Ayon kay Duque, tatalakayin ang naturang panukala sa gagawing pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases o IATF-MEID sa Martes, April 12.
Magugunitang iminungkahi ni Concepcion sa gobyerno na i-require ang COVID-19 booster cards simula sa Hunyo para mapataas ang bilang ng mga magpapa-booster sa bansa.