Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP), ang ginawang pagdukot ng armadong grupo sa 4 na pulis at isang sibilyan sa Paquibato District sa Davao City.
Ayon kay Chief Insp. Andrea dela Cerna, head ng Public Information Office ng PNP Region 11, tila nagpapapansin ang armadong grupo, lalo na at nararamdaman ng law enforcers ang paghina ng mga ito.
Tiniyak din ni dela Cerna na ginagawa ng PNP ang lahat upang mapalaya si Paquibato Chief of Police Chief Insp. Leonardo Tarongoy at ang mga kasamahan nito.
Ang Paquibato District ay kasama sa election watchlist.
Bahagi ng pahayag ni Chief Insp. Andrea dela Cerna
Augmentation team
Mayroon nang idineploy na augmentation team ang provincial police para sa Paquibato District sa Davao City.
Ayon kay PNP Region 11 PIO Head Chief Insp. Andrea dela Cerna, ito ay upang tugunan ang pangangailangan ng lugar at upang magsagawa ng check points sa probinsya.
Nakaalerto na din aniya ang kanilang mga katabing rehiyon para sa posibleng pagtakas papunta doon ng mga dumukot sa team ni Chief Insp. Leonardo Tarongoy.
Sa kabila ng pagdukot, tiniyak ni dela Cerna na nananatili ang kanilang commitment sa paglilingkod sa publiko.
Bahagi ng pahayag ni Chief Insp. Andrea dela Cerna
By Katrina Valle | Ratsada Balita