Welcome development para sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang panukalang rebyuhin ang education curriculum ng bansa na makakapagbigay sa mga estudyante ng skills na kinakailangan sa iba’t ibang industriya.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni TDC National Chairperson Benjo Basas ang pangangailangan na tingnan ang curriculum mula elementary hanggang kolehiyo.
Kabilang aniya sa mga dapat tutukan ang mga asignaturang Math, Science at English.
Una nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na suportado niya ang mungkahi na ireporma ang education curriculum sa bansa upang matugunan ang job mismatch.