Posible nang magsimula ang aktwal pag-rollout ng solidarity vaccine trial ng World Health Organization.
Ito ang inihayag ng Department of Science and Technology (DOST), maaaring simulan ang naturang rollout sa katapusan ng Hulyo o unang linggo ng Agosto.
Ayon kay DOST Undersecretray for Research and Development Rowena Guevara, hinihintay na lamang maglabas ng permits ang Food and Drug Administration (FDA), Philippine Health Research Ethics Board (PHREB) at vaccine experts panel.
Maliban sa SVT, sisimulan na rin ang pag-aaral ng Pilipinas sa pagiging ligtas at epektibo sa paggamit ng magkaibang COVID-19 vaccines sa una at ikalawang dose.
Samantala,tatagal naman ng 18 buwan ang isasagawang solidarity vaccine trial ng WHO na lalahukan ng 3,000 indibidwal na may edad 18 taong gulang pataas.