Maaari nang magpa-schedule ng COVID-19 booster shots ang mga health worker, senior citizen at mga may comorbidity simula ngayong araw, sa Quezon City.
Sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng QCVAXeasy webpage maari nang mag-book ng appointment iskedyul ang mga nasa priority group na A1 o health workers, senior citizens o A2 , at A3 o may comorbidity.
Samantala, mahigpit ring ipinagbabawal ang walk-in vaccine applicant sa mga vaccination site sa lungsod.
Sa ngayon, bakunang Astrazeneca ang maibibigay na booster shots sa nasabing priority group.—sa panulat ni Joana Luna