Pabor din si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na suspendihin muna ang probisyon ng TRAIN law sa excise tax sa langis sa halip na suspendihin ang kabuuan ng naturang batas.
Ito, ayon kay Recto, ay upang maibsan kahit paano ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin na inirereklamo na ng mga consumer.
“I-suspend na ‘yung pagkolekta ng excise taxes sa diesel at gasolina, palagay ko patuloy ang pagtaas ng presyo niyan sa world market, it will also address inflation.” Ani Recto
Samantala, duda naman ang senador kung may magandang epekto sa ekonomiya ang planong pag-angkat ng Pilipinas ng langis mula Russia.
“Ganun din ‘yun hindi nalalayo ang presyo niyan, kung sa Russia pa nga ‘yan eh di mas malayo ‘yan, mas mahal ‘yan, mas malapit ang Middle East sa Pilipinas kaysa sa Russia, hindi ko alam kung sino nagsalita nun na dapat mag-import tayo from Russia, kahit sinong nagsabi niyan, that’s an add up, mas malayo ang Russia, mas mahal ang transportation cost para dalhin ang langis dito sa Pilipinas.” Pahayag ni Recto
(Usapang Senado Interview)