Muling ipinanawagan ni Senador JV Ejercito ang pagsuspinde sa dagdag excise tax sa mga produktong petrolyo na sinimulang ipatupad noong unang araw ng bagong taon.
Ito’y sa gitna ng ulat na bumagal ang inflation rate sa 5.1 percent noong Disyembre sa kabila ng epekto ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Ayon kay Ejercito, hindi dapat biglain ang publiko sa mga dagdag bayarin lalo’t katatapos lamang ng gastos noong holiday season.
Wala aniya sa “timing” ang ipinataw na dagdag buwis sa mga produktong petrolyo sa kabila ng pabago-bagong sitwasyon sa international oil industry.
“Ang sa akin, pahingahin na muna natin, hayaan na muna natin makahinga ang ating mga kababayan. Dahil hindi natin masisigurado kung ano ang peligro on the world market dahil hindi iyan natin kontrolado.” Pahayag ni Ejercito.