Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang unang utos na suspendihin ang pag-aangkat ng bigas.
Ayon Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagbago ang isip ng Pangulo matapos na makausap si Agriculture Secretary William Dar at Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan pinaliwanagan siya ukol sa Rice Tariffication Law.
Batay sa pinaka huling direktiba ng Pangulo, tuloy ang importasyon ng bigas kahit pa panahon ng anihan pero mas istrikto o mas mahigpit ang magiging patakaran.
Sinabi ni Panelo, sisiguruhing hindi ito magiging dahilan para malugi nang mga local na magsasaka dahil kaakibat nito ay ang utos na bilhin ang ani ng mga lokal na magsasaka sa mas mataas na presyo.