Hindi na kailangan ang black and white statement para opisyal na i-terminate ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New Peoples Army.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipahg-usap sa kilusang komunista.
Sinabi ng kalihim na mismong ang Pangulo na ang nagkansela sa peace talks kaya’t hindi na kailangan pa ang pormal na kanselasyon.
Kasabay nito, nilinaw ni Lorenzana na hindi pa pormal na sinimulan ang pag-aresto sa mga NPA leader na kasama sa negotiating table sa Oslo at sa Roma.
Nagkataon lamang, aniya, na kasama ni NDF Consultant Ariel Arbitrario si Roderick Manuyac nang arestuhin ito ng Task Force Davao.
Nilinaw din ni Lorenzana na ang all-out war laban sa kilusang komunista ay para lamang sa arm component nito na New People’s Army.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping