Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na repasuhin ng Department of National Defense ang desisyon na i-terminate na ang 1989 UP-DND agreement.
Paliwanag ni Drilon, nangangamba si Senate Minority Leader Franklin Drilon na mas tumindi pa ang tensyon sa pagitan ng UP at mga otoridad.
Ito’y matapos ma-terminate ang 1989 UP-DND agreement.
Dahil dito plano aniya ni Drilon na hilingin kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na repasuhin ang naturang desisyon.
Giit ng senador hindi ito makakalutas sa problema sa halip ay posible pang lumala ang sitwasyon sa pagitan ng UP at mga otoridad ngayong malaya nang makakapasok anumang oras ang mga otoridad sa UP campus.
Sinabi ni Drilon na kilala niyang personal si Lorenzana at alam niya umanong rasonable itong tao.
Bilang UP graduate naman, ayon kay Drilon batid din niyang pinahahalagahan ng buong UP community ang kalayaan sa loob ng campus ngunit hindi naman ibig sabihin aniya nito ay hindi na dapat masaklaw ng sila ng batas.
Kung mayroon naman umanong paglabag sa batas ay maaari pa rin namang mag isyu ng search warrant ang mga otoridad.