Iniimbestigahan na ng ABS-CBN ang pag-terminate at pag-shutdown ng kanilang Youtube account.
Ang Youtube na ang nagsisilbing streaming platform ng network matapos mawala sa Free TV.
Kapag binisita ang Youtube ng Youtube News, lilitaw ang mga katagang “account has been terminated for a violation of Youtube’s terms of service”.
Wala namang nakasaad na impormasyon kung ano ang nalabag ng network.
Kinumpirma naman ito ng ABS-CBN na nagsabing batid nila na may problema sa pag-access sa kanilang ABS-CBN News channels sa Youtube.
Iniimbestigahan na anito ang insidente habang nakikipag-ugnayan na rin sila sa Youtube hinggil dito.