Nakatakdang pangunahan ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino III ang formal turnover at blessing ng bagong eroplanong pandigma ng Philippine Air Force (PAF).
Gaganapin ang seremonya ngayong ala-1:30 ng hapon sa presidential airlift wing sa Villamor Air Base, Pasay City.
Kabilang sa itu-turn over ay ang dalawang FA-50 fighter jets na dumating sa bansa noong Nobyembre 28.
Dalawa lamang ito sa 12 fighter jets na binili ng Pilipinas sa South Korea.
Si Pangulong Aquino ay babalik sa bansa ngayong araw matapos ang kanyang state visit sa Italy at Vatican at ang climate change summit sa Paris.
By Jonathan Andal