Nasa kamay na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti Money Laundering Council (AMLC) ang pagti-turnover sa mga kinauukulang opisyal ng Bangladesh hinggil sa mababawi at maisosoling pera sa ninakaw na 81 million dollars mula sa kanilang bangko.
Ito ang inihayag ni Senador TG Guingona, Chairman ng Blue Ribbon Committee makaraang ikalugod ang magandang ibinunga ng pag-iimbestiga sa money laundering scam.
Iginiit ni Guingona na dahil sa senate hearing, nangako ang negosyanteng si Kim Wong na isosoli nito ang napunta sa kanya na 4.63 million dollars.
Nagpahayag din ito na ibabalik ang 450 million pesos na binayad ni Gao Shuhua sa pagkakautang nito sa kanya.
Hindi nito batid na mula ito sa ninakaw na pera sa Bangladesh Bank.
Ayon kay Guingona, nasa kamay na ng korte ang pagpapasya kung iaabswelto sa kaso ang mga magsasauli ng pera.
By Meann Tanbio