Tinawag na ‘kasinungalingan’ ni dating Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano ang pag-uugnay sa kaniya sa pag-atake sa Lapanday plantation sa Davao City.
Ayon kay Ka Paeng, malisyoso at walang basehan ang nasabing akusasyon.
Kulang na lamang aniya ay direktang tukuyin nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año na siya ang nag-plano ng nasabing pag-atake umano ng NPA o New People’s Army sa mga ari-arian ng Lapanday.
Muling iginiit ni Ka Paeng na ang pagkakabasura ng Commission on Appointments (CA) sa kaniyang appointment ay kumakatig sa interes ng malalaking landlords at oligarchs sa bansa, malalaking lokal at dayuhang korupsyon.