Asahan na hanggang susunod na Linggo ang pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa southwest monsoon o hanging habagat na pinalakas ng bagyong karding at isa pang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Bukod sa Metro Manila, kabilang din sa mga inaasahang makararanas ng malakas na pag-ulan sa mga susunod pang araw ang Central Luzon, Ilocos, CALABARZON at Cordillera Administrative Regions.
Samantala, nagpakawala na ng tubig ang Ambuklao at Binga sa Benguet; Magat dam sa Isabela at Ipo dam sa bulacan kaya’t inabisuhan ang mga residente sa mga bayan ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Pulilan, Plaridel at Hagonoy sa posibleng pagbaha.
Nagsimula na ring magpakawala ng tubig ang San Roque dam sa Pangasinan kaya’t binalaan ang mga residente sa mga bayan ng San Manuel, San Nicolas, Tayug, Asingan, sta. Maria, Villasis, Alcala, Bautista, Rosales at Bayambang sa posibleng pag-apaw ng Agno river.