Bahagyang nakaginhawa sa bushfire crisis sa Australia ang dalawang araw nang bahagyang pag-ulan.
Mula sa halos 104°F na nararanasan sa Southeastern Australia, napababa ito ng pag-ulan sa 70 °F na lamang.
Gayunman, nagbabala ang otoridad na posibleng magbalik ang sobrang mainit at mahanging kondisyon na nagpapalala sa bushfire anumang araw mula ngayon.
Tiniyak ni New South Wales State Premier Gladys Berejiklian na hindi sila tumitigil para masolusyonan ang bushfires na kumitil na sa 24 katao.