(VALID UNTIL 4AM ONLY)
Inaasahang unti unti nang hihina ang pag ulan na nararanasan sa Palawan dahil sa bagyong Urduja.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng bagyong Urduja ay pinakahuling namataan sa layong 145 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Taglay ng bagyong Urduja ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras at may pagbugsong umaabot sa 60 kilometro kada oras.
Ang bagyong Urduja ay patuloy na kumikilos patungo sa direksyon ng pakanluran timog kanluran sa bilis na 18 kilometro kada oras.
Posible namang lumabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Urduja mamayang umaga o hapon.