Tiwala ang National Water Resources Board (NWRB) na makatutulong ang mga inaasahang pag-ulan para mapataas ang water level ng Angat Dam.
Sinabi sa DWIZ ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David na dalawang metro na lamang ay maituturing nang nasa critical level ang antas ng tubig sa nasabing dam.
Umaasa nga po sana tayo na dumating na ‘tong mga pag-ulan na sinasbai ng PAGASA at at ito po ay ipaabot sa mga water shed. (…) mas gusto po sana natin na du’n sya sa watershed, mag-extend sa watershed ang pagbagsak para po marecharge ‘yung mga dam. Pero sa ngayon po hindi pa po ganoon ang nangyayari at patuloy pong bumababa ang Angat Dam,” pahayag ni David.
Kapag nagtuluy-tuloy ang pagbaba ng water level ng Angat Dam, inihayag ni David na kailangan na talagang bawasan ang supply ng tubig sa Metro Manila.
So, sa ganito pong senaryo, ang tinitignan po natin pagka patuloy pong bumaba ‘yan ay posible na po tayong magkaroon ng kabawasan ng alokasyon kapag ito po ay bumaba sa 160 meters na elevation po at magiging dulot po nito, hahatiin po natin, maaapektuhan po ‘yung regular na suplay na nararanasan ng mga kababayan natin dito po sa Metro Manila sa tubig,” dagdag pa ni David.
Balitang Todong Lakas Interview