Asahan na ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila ngayong huling linggo ng enero.
Ito, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ay bunsod ng north easterlies at buntot ng cold front.
Asahan na ang maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Surigao provinces, Davao Oriental, Dinagat Islands at Siargao Island ngayong araw at bukas.
Posible namang magdadala ng bahagyang maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Samar provinces, Southern Leyte, Surigao provinces, Davao Oriental, Dinagat Islands at Siargao Island sa martes at miyerkules ang diffused tail-end ng cold front.
Mahinang pag-ulan naman ang maaaring maranasan sa Rizal at ilang bahagi ng Quezon at Camarines provinces.
Asahan din ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila.