Nakatulong ang pag-ulan nitong mga nakalipas na araw para umangat ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ayon kay Dr. Sevillo David Jr. Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB) na nasa 190 meters above sea level na ang lebel ng tubig dito.
Umaasa si David na tataas pa ang antas ng tubig sa dam hanggang sa maabot ang normal level na 212 meters above sea level.
Mahalaga aniyang tumaas ang tubig sa Angat dam dahil ito ang nagsusuplay sa 97% ng tubig sa Metro Manila.
Samantala, tiniyak ng NWRB na sapat ang tubig sa dam pero pinayuhan ang publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig.