Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa pagkakaroon ng hailstorm o pag-ulan ng yelo.
Paliwanag ni Senior Weather Forecaster Rene Paciente, bunga ang hailstorm ng matinding init sa kalupaan dulot ng El Niño.
Madalas aniyang nangyayari ang hailstorm tuwing buwan ng Mayo kasabay ng mga thunderstorm sa ganitong panahon.
Ngunit paliwanag ni Paciente, kung mararanasan man ang madalas na thunderstorm sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay hindi ibig sabihin ay nalalapit na ang tag-ulan.
Aniya posibleng ideklara ang tag-ulan sa pagpasok ng south west monsoon o habagat sa susunod na buwan.
By Rianne Briones