Umabot sa mahigit apat na libo isandaang pamilya o nasa labing-isang libo pitundaang katao ang nagsilikas dahil sa pag-apaw ng Marikina River.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, kabilang sa mga apektado ang mga residente sa tabi ng ilog gaya sa Barangay Barangka, Industrial Valley Complex at Santo Niño.
Ihahalintulad aniya sa pananalasa ng Bagyong Ondoy noong September 2009 ang bahang dulot ng walang tigil na ulang dala ng habagat na pinalakas ng bagyong karding kahit pa nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Sa ang Marikina sa pinaka-matinding hinagupit ng bagyong ondoy na nagpalubog sa malaking bahagi ng Metro Manila, Rizal, Bulacan at Pampanga at nagresulta sa pagkamatay ng kabuuang pitundaan apatnapu’t pito.
Mga rescue boat i-dineploy sa Marikina City
Nag-deploy na ng mga rescue boat sa Marikina City matapos malubog sa baha ang malaking bahagi ng lungsod partikular ang mga barangay sa paligid ng Tumana River.
Ito’y makaraang umabot sa mahigit 20 meters ang taas ng tubig sa ilog dakong hatinggabi kanina dahilan upang itaas ang ikatlong alarma at magsilikas ang daan-daang pamilya.
Ayon kay Marikina City Mayor Teodoro, sinuyod ng mga rescue team ang mga barangay na malapit sa ilog upang ilikas ang mga residente patungo sa mga evacuation area.
Kakaiba anya ang pagbahang naranasan dahil halos lahat ng lugar sa lungsod ay lubog bunsod ng walang tigil na pag-ulang dala ng habagat.
Samantala, umaapela naman si Teodoro ng donasyong pagkain, tubig, gamot at kumot para sa mga apektadong residente.