Naging mabagal ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa huling quarter ng taong 2015, matapos makapagtala ng 0.96 percent.
Habang naitala ang 0.11 percent na pag-unlad ang agrikultura ng bansa sa nakalipas na buong taon.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority o PSA, pangunahing dahilan ng pagbagal ng pag-unlad ng agrikultura ay dulot ng matinding epekto ng El Niño phenomenon at ang naging epekto ng bagyong Lando.
Ayon sa PSA, partikular na apektado ng El Niño at bagyong Lando ang sector ng pananim at pangisdaan na bumaba ang produksyon sa huling bahagi ng 2015, bagamat bahagyang nakabawi naman ang livestock at poultry sector.
Bumaba rin ang naging halaga ng produksyon ng agrikultura na mula sa P1.486 trillion noong 2014, bumaba sa P448 billion ang gross value ng produksyon.
By Meann Tanbio | Monchet Laranio