Inalmahan ni dating Elections Chief Christian Monsod ang dahilan ng Kongreso sa pag-unsyame sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte.
Sinabi ni Monsod na natanggap ng Senado ang articles of impeachment noong Pebrero 5 ngunit wala namang naging pag-usad dito.
Aniya, napakahalagang usapin ng impeachment trial kay Duterte dahil may kinalaman ito sa katiwalian at pandarambong sa pondo ng publiko.
Ilan sa kanila ang nagsasabing ang dahilan ng pagkaantala ay may kinalaman sa kakulangan sa mga detalye at sa pagpaplano ng mga hakbang na susundan.
Iginiit ng Mambabatas na masyadong mababaw ang mga dahilan ng senado dahil kailangan nito ng agarang aksyon.
Gayunpaman, binigyan diin din ng mambabatas na hindi ito isang malaking isyu, ngunit ipinaalalang ang mga ganitong proseso ay nangangailangan ng masusing pagsusuri at tamang dokumentasyon upang matiyak na ang bawat hakbang ay naaayon sa batas.—sa panulat ni Jasper Barleta