Binigyang diin ng IT expert na si Jerry Liao ang kahalagahan ng pag- uupdate ng system software.
Sinabi ni Liao na ang pag-uupdate ay mahalagang paraan, upang matiyak na kaya ng software na labanan ang anumang banta na ito ay ma-hack.
Bahagi ng pahayag ni Jerry Liao, isang IT expert
Pinaalalahanan din ni Liao ang publiko na hindi lamang sa computers nangyayari ang hacking, kaya’t mahalagang maging maingat din ang mga gumagamit ng telepono na kayang makapasok sa internet.
Bahagi ng pahayag ni Jerry Liao, isang IT expert
A wake up call
Kailangang maging mas mapagmatyag at maingat ang publiko.
Sinabi ito ng IT expert na si Gerry Liao, matapos mag-leak ang personal na impormasyon ng milyon-milyong botante matapos ma-hack ang website ng COMELEC.
Ayon kay Liao, maliban sa mga botante na nabiktima ng pagnanakaw ng impormasyon, kailangan din mag-doble ingat ang financial institutions sa mga umuutang at sa mga nag-aapply ng credit cards.
Bahagi ng pahayag ni Jerry Liao, isang IT expert
By Katrina Valle | Ratsada Balita