Iginiit ng TDC o Teachers Dignity Coalition ang dagdag na P10,000 honorarium ng mga guro sa eleksyon.
Ayon kay Benjo Basas, Chairman ng TDC, malaking tungkulin ang nakaatang sa mga guro na mismong ang buhay ay nalalagay sa alanganin tuwing eleksyon kayat dapat well-compensated ang mga ito.
“Ito naman ay nakabatay doon sa paniniwala na itong election task o election duty which is actually isang napakalaking trabaho, isang napakalaking gampanin na nae-expose ang mga guro sa iba’t ibang uri ng panganib kaya dapat man lang sana ay well-compensated sila.” Ani Basas.
Gayunman, sinabi sa DWIZ ni Basas na umaasa na lamang din sila na maipapasa ang panukalang gawing boluntaryo na lamang ang pag-upo ng mga guro tuwing eleksyon kung hindi rin lamang aniya maibibigay ang dagdag na honorarium na hinihingi nila.
“Hanggang ngayon sa parating na Halalan 2016 ay nananatiling compelled ang mga guro at walang choice kundi umupo kung sila ay ia-appoint n gating COMELEC but we’re actually sa kasalukuyan, we are lobbying for the enactment of the Election Service Reform Act na gawing boluntaryo na lang ang pag-upo sa halalan.” Pahayag ni Basas.
By Judith Larino | Ratsada Balita