Naunsyami ang dapat sana’y pag-upo ngayong araw ni General Alexander Balutan bilang direktor ng Bureau of Corrections o BUCOR
Ito’y ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay dahil sa hindi pa natapos ang pagpo-proseso ng papeles ni Balutan
Dahil dito, pansamantalang palalawigin ang panunungkulan naman ni BUCOR Officer In Charge Rolly Asuncion
Magugunitang sa Oktubre 5 pa nakatakdang magretiro sa military service si Balutan ngunit naghain na siya ng early retirement makaraang alukin ni Pangulong Duterte at Secretary Aguirre sa nasabing pusisyon
By: Jaymark Dagala