Nakatakdang isagawa bukas ng umaga ang assumption ceremony para sa bagong hepe ng pambansang pulisya na si Chief Superintendent Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa, pag-upong pag-upo, agad niyang pipirmahan ang kautusang magtatalaga ng mga bagong opisyal mula sa kanyang Directorial Staff Command Group hanggang sa mga Regional Director.
Ayon kay Dela Rosa, nasa 16 hanggang sa 18 Regional Director ang papalitan sa puwesto pero tumanggi muna siyang pangalanan ang mga ito.
Gayunpaman, may ilan aniyang mga opisyal na mananatili sa pwesto gaya ni Police Director General Francisco Uyami bilang Deputy Chief for Administration.
By: Avee Devierte