Welcome sa mga senador ang desisyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pangasiwaan muna ang Department of Agriculture (DA).
Ito’y para matutukan ang lumalalang food crisis sa bansa.
Ayon kay Senator Sonny Angara, nangangahulugan ang desisyon na magiging top priority ni Marcos ang sitwasyon sa pagkain at pagsasaka, lalo na sa panahon ng pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.
Sinabi naman ni Senator-elect JV Ejercito na indikasyon ang ginawa ni Marcos na seryoso talaga itong tugunan ang food crisis issue.
Samantala, aminado naman si Senator-elect Chiz Escudero na makakatulong ang pag-upo ni PBBM sa DA para mabawasan ang Red Tape at matutukang maigi ang sektor ng agrikultura.
Sa ngayon, bilang outgoing Secretary ng DA ay suportado ni William Dar ang desisyon ni Marcos.
Handa aniya itong i-brief at i-assist si Marcos Jr., sa kasalukuyang estado ng DA kabilang ang mga ‘unfinished business’, situational analysis, policy framework at major accomplishments.