Halos nakapirma na sa isang resolusyon na naghahayag ng suporta kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto sa pag-upo nito bilang Senate President ang mga senador na miyembro ng mayorya.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, 17 senador na miyembro ng mayorya 14 na ang nakapirma sa resolusyon at bukas ay magiging 15 na ito dahil pipirma na din si Sen. Grace Poe pag-uwi nito sa bansa.
Ngunit ayon sa mga ulat, humihirit pa si Senate President Pimentel na mapalawig sa kanyang posisyon bilang Senate President dahil gusto nito na siya pa ang lider ng senado kapag ikinasal sa October 18.
Kaya ang tanong ay kung pagbibigyan pa ang hirit na ito ni Pimentel na mapalawig ang kanyang pagiging Senate President gayung halos suportado na ng mayorya ang pag-upo ni Senator Sotto bilang Senate President.
Nabatid na ang pinag-aaralan na lang ay kung ano ang posisyon na ibibigay kay Pimentel kapag pinalitan na ito ni Sen. Sotto.
Sa nakuhang kopya ng resolusyon, ito ay may titulo na “Sense of the Senate to re-organize its Leadership and Electing Senator Vicente “Tito” Sotto III as new Senate President.”
Ang mga lumagda na sa resolusyon ay sina
- Senate President Pro Tempore Ralph Recto
- Senator Sonny Angara
- Senator Loren Legarda
- Senator Joseph Victor Ejercito
- Senator JV Ejercito
- Senator Sherwin Gatchalian
- Senator Francis Escudero
- Senator Richard Gordon
- Senator Gregorio Honasan
- Senator Panfilo Lacson
- Senator Manny Pacquiao
- Senator Joel Villanueva
- Senator Cynthia Villar
- Senator Juan Miguel Zubiri
Ayon pa sa source, dalawang miyembro ng minority bloc ang maaaring makumbinsi pa na sumama sa majority.
Nabatid na sa linggo ay may naka-iskedyul na meeting ang mga majority senator sa bahay ni Senator Nancy Binay bago ang nakatakdang majority caucus sa Senado sa Lunes, May 21.
Copy of reso re: sense of the senate to reorganize its senate leadership and electing senator Tito Sotto as new senate president.@dwiz882 pic.twitter.com/N9yPzn38dJ
— Cely O. Bueno (@OBueno) May 17, 2018
— Cely O. Bueno (@OBueno) May 17, 2018