Binabantayan ng Senate Committee on Ways and Means ang pag-usad ng kasong tax evation na kinasasangkutan ng kumpanya ng sigarilyo na Mighty Corporation.
Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairman Sonny Angara, inaabangan ng kanyang komite kung may pangangailan ng pag-iimbestiga ng Senado sa naturang isyu.
Sinabi ni Angara na ilang eksperto na ang nagsabi na, dahil sa pagtaas ng ipinapataw na Sin Tax sa mga sigarilyo, hindi maiwasan ang pagtaas ng kaso ng contraband trade o iligal na kalakalan upang maiwasan ang malaking buwis.
Ani Angara, ito ang posibleng dahilan kung bakit dumarami ang pekeng tax stamps tulad ng kinasasangkutan ng Mighty Corporation.
By: Avee Devierte / Cely Bueno