Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng pagtuturok ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga health workers sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Kabilang sa mga lugar na sinimulan na ang pagbabakuna ay ang Occidental Mindoro, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).
Kasunod ito ng pagdating ng suplay ng Sinovac COVID-19 vaccine mula China sa mga nasabing rehiyon.
Mula sa 318 na frontliners sa Occidental Mindoro Provincial Hospital tinatayang nasa 228 na ang boluntaryong nagpaturok ng bakuna ayon ay kay Dr. Maria Teresa Tan.
Habang 23 ang hindi tumangging magpabakuna dahil sa takot at ang ilan naman ay hindi pupwede dahil mga senior citizens.—sa panulat ni Agustina Nolasco