Pinangangambahan ang pag-usbong ng juvenile terrorism sa Mindanao.
Ayon kay Dr. Rommel Banlaoi, chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence and Terrorism Research, ang kumpirmasyon nito ay kapag napatunayang 14-anyos lamang ang di umano’y Indonesian national na hinihinalang nagsilbing suicide bomber sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Isang pagpapatunay rin anya ang pagsabog sa Jolo, Sulu sa dumaraming involvement ng mga babae sa terorismo, gayundin ang family terrorism kung saan sangkot ang maraming miyembro ng isang pamilya.
Pinaliwanag ni Banlaoi, na napakalaki ng papel ngayon ng social media sa recruitment at pagpapalaganap ng idelohiya ng terorismo.